06
Feb
7:44pm

JS Prom.

Sabi nila, mamimiss mo ang kalahati ng buhay mo kapag namiss mo itong event na ito. Nagtataka ako kung bakit pero somewhat totoo naman diba? Ito ang pinaka-highlight ng buhay-hayskul. Pagdating ng ikatlo at ikaapat na taon sa hayskul, ito lagi ang inaabangan. Sobrang pinaghahandaan.

4th-year na ako. Ibig sabihin, last year ko na. Last chance ko na na i-enjoy ang buhay hayskul ko. Hindi man ako excited sa Prom, nainis pa din ako nung nalaman ko na wala na daw Prom. Pakiramdam ko na napaka-unfair naman hindi lang para sa amin kundi pati na rin sa mga 3rd years. Sobra. Lalo na yung reason niya na “malalandi” daw ang mga estudyante. Tsk! Yung nangyari ba sa Adivay ang dahilan? O yung mga violations daw ng mga 3rd years? Kahit na ano pa man yun, napaka-unfair. Sana ituloy pa rin nila yung Prom at huwag ng payagan sumamama yung mga taong tinutukoy nila.